BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Paano Nagiging Bayani Ang Isang Pilipino?




Kahit walang batas na nagpapahayag kung paano nagiging bayani ang isang Pilipino, mayroong iilang pamantayan na tumutukoy sa kwalipikasyon ng isang makasaysayang tao upang hirangin siya bilang bayani ng Pilipinas. Ang National Heroes Commission ay ginawa ang mga sumusunod na criteria:

  • Ang mga bayani ay ang mga may konsepto ng bansa, at nagnanais at nakikipagpunyagi para sa kalayaan ng bansa
  • Tinutukoy at umaambag ang mga bayani sa isang sistema o buhay ng kalayaan at kaayusan para sa isang bansa
  • Ang mga bayani ay nakakatulong sa kalidad ng buhay at tadhana ng isang bansa
  • Ang mga bayani ay bahagi ng pagpapahayag ng mga tao
  • Iniisip ng mga bayani ang hinaharap, lalo na ng mga susunod na henerasyon
  • Ang pagpili ng mga bayani ay nagsasangkot sa buong proseso na gumawa ng isang partikular na tao bilang isang bayani
Noong Nobyembre 15, 1995, pinili ng teknikal na komite ng National Heroes Commission ang siyam na makasaysayang Pilipino bilang pambansang bayani ng Pilipinas.




Jose Rizal

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.






Andres Bonifacio

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.




Apolinario Mabini

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.





Emilio Aguinaldo

Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).




Gabriela Silang

Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.





Juan Luna

Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.



Marcelo H. Del Pilar

Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.





Melchora Aquino

Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.





Sultan Dipatuan Kudarat

Ang ika-7 Sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at hinadlangan ang pagkalat ng Katolisismo ng Roma sa isla ng Mindanao.

Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Sultan Dipatuan Kudarat




DOWNLOAD TALAMBUHAY NG MGA BAYANI PDF FORMAT