BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon At Mga Nagawa (Ikalawang Bahagi)






Mga Pangulo ng Pilipinas at ang Kanilang Kontribusyon sa Bansa

Mula sa kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya noong 1898, nagkaroon na ng 16 na pangulo ang bansa. Mula kay Heneral Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte, ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kontribusyon at tagumpay ng bawat pangulo habang sila ay nakaluklok sa puwesto.




Carlos P. Garcia (1957-1961)

Isang abugado, makata, at guro, si Carlos P. Garcia ay nagsilbi din bilang isang pinuno ng gerilya sa panahon ng Digmaang Pasipiko. Ipinanganak sa Bohol, si Garcia ay nagsilbi bilang bise presidente sa ilalim ni Ramon Magsaysay at bilang kalihim ng Ugnayang Panlabas sa loob ng apat na taon. Naging pangulo siya nang namatay si Magsaysay noong 1957.
  • Kilala sa "Filipino First Policy" na mas pinapaboran ang mga negosyong Pilipino kaysa sa mga dayuhang namumuhunan
  • Itinatag ang Austerity Program na nakatuon sa kalakal at komersyo ng mga Pilipino
  • Kilala bilang "Prince of Visayan Poets" at "Bard from Bohol"
  • Ang mga sining pang-kultura ay muling nabuhay sa kanyang termino
  • Kauna-unahang pangulo na inilibing ang labi sa Libingan ng mga Bayani
  • Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Carlos P. Garcia




Diosdado Macapagal (1961-1965)

Ipinanganak sa Lubao, Pampanga, si Diosdado Macapagal ay isang abogado at propesor. Ang kanyang anak na si Gloria Macapagal Arroyo ay ang ika-14, at pangalawang babae na naging pangulo ng Pilipinas.
  • Itinatag sa kanyang pamumuno ang unang Land Reform Law, na pinapayagan ang pagbili ng pribadong lupain upang maipamahagi sa mga walang lupa
  • Inilagay ang Philippine Peso sa currency exchange market
  • Idineklara ang Hunyo 12, 1898 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas
  • Nilagdaan ang batas sa Minimum Wage
  • Nilikha ang Philippine Veteran’s Bank
  • Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Diosdado Macapagal




Ipinanganak sa Sarrat, Ilocos Norte, si Ferdinand Edralin Marcos ay isang abogado at Pangulo ng Senado sa loob ng tatlong taon. Naging pangulo siya ng 21 taon. Nagpasiya siya na ilagay ang bansa ilalim ng batas militar at ang kanyang diktadura ay kilala sa katiwalian. Si Marcos ay tinanggal mula sa katungkulan matapos ang People Power Revolution noong 1986.
  • Unang pangulo na nanalo ng pangalawang termino
  • Idineklara ang Batas Militar noong Setyembre 22, 1972
  • Nadagdagan ang laki ng militar at sandatahang lakas ng Pilipinas
  • Noong 1980 ang GNP (Gross National Product) ng Pilipinas ay apat na beses na mas malaki kaysa noong 1972.
  • Pagsapit ng 1986 ang Pilipinas ang isa sa may pinakamalaking utang na bansa sa buong Asya
  • Nakapagpatayo ng mas maraming paaralan, kalsada, tulay, ospital, at iba pang imprastraktura kaysa sa pinagsamang naipatayo ng mga dating pangulo.
  • Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Ferdinand Marcos





Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas at ang unang babaeng naging pangulo ng isang bansang Asyano, si Corazon Aquino ay ipinanganak sa Paniqui, Tarlac. Siya ay kilala sa People Power Revolution na nagpabagsak sa diktadura ni Ferdinand Marcos. Ang kanyang asawa na si Benigno Aquino Jr., ay isang senador noong rehimeng Marcos at ang pinakamalakas nitong kritiko. Pinaslang siya habang nasa kapangyarihan si Marcos.
  • Unang babaeng naging pangulo ng Pilipinas o anumang bansa sa Asya
  • Nagbalik ng demokrasya sa bansa
  • Winakasan ang 1973 Marcos Constitution at nagpasimula ng bagong Konstitusyon ng Pilipinas
  • Inayos muli ang istraktura ng sangay ng ehekutibo ng pamahalaan
  • Nilagdaan ang Family Code ng 1987, isang pangunahing reporma sa batas sibil, at 1191 Local Government Code, na muling inayos ang istraktura ng executive branch ng gobyerno.
  • Pinasimulan ang mga gawaing kawanggawa at panlipunan na tumutulong sa mga dukha at nangangailangan
  • Pinangalanang "Woman of the Year" noong 1986 ng Time Magazine
  • Nakatanggap ng mga parangal kabilang ang: 100 Women Who Shaped World History, 20 Most Influential Asians of the 20th Century, 65 Great Asian Heroes
  • Makikita sa pera ng Pilipinas: 500-piso
  • Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Corazon Aquino




Fidel V. Ramos (1992-1998)

Si Fidel V. Ramos ay ang chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines bago siya naging pangulo. Siya rin ay isang civil engineer. Bilang pangulo, naibalik niya ang paglago ng ekonomiya at katatagan sa bansa, kahit noong panahon ng Asian Financial Crisis noong 1997. Siya ang una, at hanggang ngayon, ang nag-iisang non-Catholic na pangulo ng Pilipinas.
  • Pinangasiwaan ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas
  • Namuno sa pagdiriwang ng Philippine Independence Centennial noong 1998
  • Nakatanggap ng British Knighthood mula sa United Kingdom ni Queen Elizabeth II (Knight Grand Cross of the Order of St. Michael at St. George)
  • Nag-host ng pang-apat na Asia Pacific Economic Cooperation Leader's Summit sa Pilipinas noong 1996
  • Ang Philippine Stock Exchange ay naging isa sa mga mga paborito sa mundo sa panahon ng kanyang pagkapangulo
  • Ang parusang kamatayan ay naibalik habang siya ay nasa pwesto
  • Nilagdaan ang kasunduan sa kapayapaan sa rebeldeng Moro National Liberation Front
  • Basahin ang Buod ng Talambuhay ni Fidel V. Ramos




Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon At Mga Nagawa:

Mga Nagawa ni Manuel L. Quezon

Mga Nagawa Ni Jose P. Laurel 

Mga Nagawa ni Sergio Osmena 

Mga Nagawa ni Manuel A. Roxas

Mga Nagawa ni Elpidio Quirino 

Mga Nagawa ni Ramon Magsaysay 

Mga Nagawa ni Joseph Estrada 

Mga Nagawa ni Gloria Macapagal Arroyo

Mga Nagawa ni Benigno "Noynoy" Aquino III

Mga Nagawa ni Rodrigo Duterte