BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Talambuhay ni Ramon Magsaysay



Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "the Guy" o "Presidente ng Masang Pilipino". Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 at pangalawang anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta Del Fierro. Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayang Pilipino kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang sakit at pagdurusa. Magpahanggang ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa isang lider. 

Nag-aral si Magsaysay sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng enhinyerang mekanikal bagamat sa Colegio de Jose Rizal niya natapos ang Antas sa Komersyo. Sa kanyang kapanahunan, karamihan sa mga pinuno sa pulitika ay kamag-anak ng Kastila. Si Magsaysay lamang ang may lahing Malay, katulad ng pangkaraniwang Pilipino. 

Si Magsaysay ay nagsimula bilang isang mekaniko sa Try-Tran Bus Company at sa kalaunan ay naging bilang branch manager. Naging tanyag siya bilang isang mahusay na lider ng gerilya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinangalanan bilang gobernador militar ng Iba, Zambales ni General Douglas McArthur nang palayain ng Estados Unidos ang Pilipinas.





Naglingkod siya bilang Kongreso ng Partidong Liberal sa Zambales mula 1946 hanggang 1950. Ito ang kanyang unang karanasan sa pulitika. Bilang politiko, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagpasa ng GI Bill of Rights sa Kongreso ng Estados Unidos kung saan ay makikinabang ang mga Pilipinong beterano ng digmaan. Inihalal ni Pangulong Elpidio Quirno si Magsaysay upang maging kalihim ng depensa upang mahawakan ang pagbabanta ng mga Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones) na nag-organisa ng People's Liberation army. Nagtagumpay siya sa kampanya laban sa Hukbalahap gamit ang parehong mga solusyon sa militar at pulitika. Ang kanyang kampanya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan.

Sinubukan ni Magsaysay na makuha ang loob ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain at mga kasangkapan kung susuporta sila sa gobyerno, dahilan upang mapagtanto ng mga Huk na hindi nila makakayanan nang walang suporta mula sa mga tao. Inorganisa ding muli ni Magsaysay ang hukbong militar sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga tiwaling opisyal, at sinanay sila upang maging maaasahan laban sa mga gerilya. Dahil sa kanyang radikal na kampanya, ang mga huk ay hindi na naging banta sa gobyerno bagaman gumawa siya ng maraming mga kaaway sa loob ng pamahalaan. Inakusahan niya ng katiwalian at kawalan ng kakayahan ang administrasyong Quirino dahilan upang magbitiw si Magsaysay sa kanyang posisyon noong Pebrero 28, 1953.

Noong 1953, sinuportahan ng Partidong Nacionalista at ni Carlos Romulo si Magsaysay upang tumakbo para sa pagka-pangulo laban kay Quirino bagaman siya ay isang kandidato ng Liberal. Nanalo siya at naging ika-pitong pangulo ng Pilipinas. Sa panahon ng kanyang administrasyon, ipinakilala niya ang mga pangunahing programa tulad ng reporma sa lupa, panlipunang kapakanan at mga gawaing pampubliko. Tinulungan niya ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatag ng kreditong pang-agrikultura at cooperative financial agency. Si Magsaysay ang tinaguriang "Pangulo ng mga Magsasaka" ngunit ang kanyang mga plano ay nahadlangan ng iba pang mga pulitiko na pumapabor sa mayayaman.

Si Magsaysay bilang isang pangulo ay simple at nakatuon sa pagtulong sa karaniwang tao. Siya ay nanatiling malapit na kaibigan at tagataguyod ng Estados Unidos. Siya rin ang boses na tagapagsalita laban sa Komunismo sa panahon ng Cold War o Digmaan sa Diplomasya. Ginawa niyang miyembro ang Pilipinas sa SATO (Southeast Asia Treaty Organization), na itinatag sa Maynila noong Setyembre 8, 1954 at inorganisa niya ang mga bansa ng Afro-Asians laban sa pandaigdigang komunismo sa Bandung Conference sa Indonesia.

Si Ramon Magsaysay ay namatay nang bumagsak sa Cebu ang sinasakyan nitong eroplano habang nangangampanya para sa halalan. Ang kanyang bise presidente na si Carlos P. Garcia ang pumalit sa kanyang puwesto.