BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Talambuhay ni Loren Legarda


Si Loren Legarda ay isang Pilipinong mamamahayag, environmentalist, at politiko, bantog bilang natatanging babae na nanguna sa botohan sa pagiging senador sa dalawang halalan (1998) at (2007).


Si Loren Legarda (tunay na pangalan Lorna Regina Bautista Legarda) ay ipinanganak noong Enero 28, 1960 sa Malabon. Siya ay natatanging babaeng anak ni Antonio Cabrera Legarda ng San Pablo, Laguna, at Bessie Gella Bautista ng Malabon. Ang kanyang maternal na lolo ay si Jose P. Bautista, isang editor ng pahayagan bago mag-Martial Law, ang Manila Times. Si Loren Legarda ay nag-aral sa Assumption College mula elementarya hanggang high school, kung saan siya ay nagtapos bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya naman ay nagtapos bilang cum laude. 

Sinimulan ni Legarda ang kanyang karera sa journalism bilang isang reporter para sa RPN-9, kung saan kabilang sa naging coverage niya ang paglalakbay ni Imelda Marcos sa Kenya at ang People Power Revolution. Hindi nagtagal lumipat siya ng istasyon, ang ABS-CBN, kung saan nakamit niya ang pinakamalaking tagumpay ng kanyang karera bilang isang mamahayag. Naging anchor siya ng The World Tonight at naging host ng The Inside Story. Isang mahalagang sandali sa panahong ito ang kanyang pakikipanayam kay Michael Jackson, na ini-alay ang kantang “Heal The World” sa mamamayang Pilipino. Sa panahong ito, siya ay nakatanggap ng higit sa tatlumpung mga pangunahing parangal, kabilang ang Catholic Mass Media Hall of Fame, KBP Golden Dove Award, ang Gawad CCP, at Ten Outstanding Young Men and Women award. 




Tumakbo siya sa Senado noong 1998, sa udyok ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, sa ilalim ng Lakas-NUCD-UMDP Party. Siya ay inihalal sa Senado na may higit sa 15,000,000 boto. Ito ang pinakamataas sa halalang iyon. Noong 2003, iniwan ni Legarda ang Lakas-CMD (pagkatapos hindi tinupad ni Gloria Macapagal-Arroyo ang pangako nitong hindi tatakbo sa pagkapangulo) at sumali sa KNP na koalisyon ni Fernando Poe, Jr bilang isang Independent sa panahon ng halalan ng 2004. 

Noong 2007, nagpasya si Legarda na tumakbo muli para sa Senado sa ilalim ng banner ng Genuine Opposition coalition. Naluklok siya sa Senado sa pamamagitan ng higit 18,000,000 boto upang maging kandidato na may pinakamataas sa boto para sa kanyang posisyon sa halalang iyon. Sa paglunsad niya ng kanyang programa ang “Lingkod Loren in Luneta” ay inihayag niya ang intensyon na tumakbo sa pagka bise-presidente sa nalalapit na 2010 election sa ilalim ng Nationalist People's Coalition. Ngunit natalo siya ni Jejjomar Binay sa halalan ng 2010 kaya bumalik siya sa paglilingkod bilang senador. Noong Mayo ng taong 2013 ay tumakbo ulit siya bilang senador kung saan nakamit niya ang pangalawa sa may pinakamataas na boto. 

Siya ay kasalukuyang isang Lieutenant Colonel sa Philippine Air Force Reserve Corps. Ang Maranao Sultanate League of the Moro people naman ay binigyan siya ng honorary title bilang "Bai Alabi" ("Princess").