BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon At Mga Nagawa (Ikatlong Bahagi)





Mga Pangulo ng Pilipinas at ang Kanilang Kontribusyon sa Bansa

Mula sa kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya noong 1898, nagkaroon na ng 16 na pangulo ang bansa. Mula kay Heneral Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte, ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kontribusyon at tagumpay ng bawat pangulo habang sila ay nakaluklok sa puwesto.

Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon At Mga Nagawa (Ikalawang Bahagi)





Mga Pangulo ng Pilipinas at ang Kanilang Kontribusyon sa Bansa

Mula sa kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya noong 1898, nagkaroon na ng 16 na pangulo ang bansa. Mula kay Heneral Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte, ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kontribusyon at tagumpay ng bawat pangulo habang sila ay nakaluklok sa puwesto.

Mga Pangulo ng Pilipinas: Kontribusyon At Mga Nagawa (Unang Bahagi)





Mga Pangulo ng Pilipinas at ang Kanilang Kontribusyon sa Bansa

Mula sa kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya noong 1898, nagkaroon na ng 16 na pangulo ang bansa. Mula kay Heneral Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte, ang artikulong ito ay naglalaman ng mga kontribusyon at tagumpay ng bawat pangulo habang sila ay nakaluklok sa puwesto.

Talambuhay ng mga Bayaning Pilipino




Sino-sino ang mga bayani ng Pilipinas?


Ang talaang ito ay naglalaman ng mga talambuhay ng mga pinakamagigiting at mga huwarang bayaning Pilipino. Sila ay nakipaglaban para sa kasarinlan ng bayan at naipakita nila ang pagiging makabayan at pagmamahal sa bansa sa kani-kanilang paraan. 



Jose Rizal

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.






Andres Bonifacio

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.




Heneral Antonio Luna

Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.





Apolinario Mabini

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.





Emilio Aguinaldo

Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).




Emilio Jacinto

Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.





Francisco Balagtas Baltazar

Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.



Gabriela Silang

Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.





GOMBURZA

Ang Gomburza ay tumutukoy sa tatlong pari ng Katolikong Pilipino (Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora), na pinatay noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.




Gregorio del Pilar

Isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas noong panahon ng Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Kilala siya sa kanyang matagumpay na pag-atake sa mga kuwartel ng Espanyol sa Paombong, sa Labanan ng Quingua at sa kanyang huling paglaban sa Labanan ng Tirad Pass sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. 



Josefa Llanes Escoda

Kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines (GSP). Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay sa hinala ng pagiging isang taga-simpatya ng mga gerilya.





Juan Luna

Isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.




Itinuturing na isa sa pinakadakilang pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Isa siya sa unang lumaban sa pananakop ng Espanya dahilan upang napatay niya si Ferdinand Magellan. 





Manuel L. Quezon

Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo.




Marcelo H. Del Pilar

Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol.





Melchora Aquino

Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.





Miguel Malvar

Kilala bilang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Matapos mahuli si Heneral Aguinaldo, siya ang naging bagong commander-in-chief ng mga pwersang Pilipino.





Pio Valenzuela

Isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Sumali siya sa bagong tatag na Katipunan at ang kinomisyon ni Bonifacio upang makipag-usap kay Dr. Jose Rizal tungkol sa plano ng Katipunan na bumangon laban sa mga awtoridad ng Espanyol. 


Ramon Magsaysay

Ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "Presidente ng Masang Pilipino". Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayan kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang pagdurusa. Magpahanggang ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa isang lider. 


Teodora Alonzo

Ang ina ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Bilang unang guro ni Rizal, nagkaroon siya ng malalim na impluwensya sa kanyang pag-unlad at naging inspirasyon siya sa pagkuha niya ng medisina. Bilang ina ng isang itinuturing na kaaway ng mga awtoridad ng Espanyol, si Teodora ay madalas na nagiging target. Sumama rin siya kay Rizal sa pagkakatapon nito sa Dapitan.



Teresa Magbanua

Si Teresa Magbanua ang unang babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Nakilahok siya sa mga labanan sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano at tumulong sa mga Pilipinong gerilya laban sa mga Hapones sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.





DOWNLOAD TALAMBUHAY NG MGA BAYANI PDF FORMAT


Panunumpa sa Watawat: Panatang Makabayan




Panunumpa sa Watawat: Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Mga Alamat ng Pilipinas



Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay isang di-makasaysayan o hindi napapatunayang kuwento na nagpasalin-salin sa ibat-ibang panahon na bagamat hindi kailanman lubos na pinaniniwalaan ng mga mambabasa ay minsa'y hindi rin labis na pinag-aalinlangan. Madalas sinasagisag ng mga alamat ang mga katutubong paniniwala at kolektibong mga karanasan ng grupo na kung saan ang tradisyon na ito ay nabibilang.

Ang Kasaysayan ng Pambansang Watawat ng Pilipinas




Ang bandilang Pilipino ay nilikha ng madugong pakikibaka. Ginawa ito ng magigiting na kaanib sa mapaghimagsik na Katipunan ni Bonifacio, na siyang nanguna sa pakikipaglaban sa Espanya.

Nang una, ang bandila nati’y binubuo ng kayong pula na siyang sagisag ng dugo ng mga kaanib sa Katipunan, bilang tanda ng kanilang pagtatanggol sa Inang-Bayan. Ang araw ay nangangahulugan ng pagsibol ng bagong bansa, kaya’t sa gitna ng tinurang araw ay may isang titik na K na ang katuturan nama’y Kalayaan.

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal


Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay. Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang.

Talambuhay ni Teresa Magbanua


Si Teresa Magbanua ang unang babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Isang guro at lider ng militar, siya ay isinilang sa Pototan, Iloilo noong Oktubre 13, 1868. Siya ang pangalawa sa anim na anak ni Don Juan Magbanua at Doña Alejandra Ferraris. Asawa siya ni Alejandro Balderas, isang mayaman na may-ari ng lupa mula sa Sara, Iloilo.


Talambuhay ni Miguel Malvar


Si Miguel Malvar ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Ipinanganak siya sa Barrio ng San Miguel, Sto. Tomas, Batangas, noong Setyembre 27, 1865, kay Maximo Malvar at Tiburcia Carpio.

Nag-aral si Miguel Malvar sa pribadong paaralan ni Fr. Valerio Malabanan, ang sikat na maliit na institusyon kung saan galing ang ilan sa mahuhusay na tao mula sa Batangas. Tapos lamang siya ng ikalawang taon sa Latinidad, dahil hindi siya masyadong mahilig sa mga libro.