BayaningFilipino

Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino .

Talambuhay ni Benigno "Noynoy" Aquino III

Si Simeon Benigno "Noynoy" Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960) ay isang Pilipinong politiko na naglingkod bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016. Siya ay ang tanging anak na lalaki ng dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno Aquino, Jr.


Nagtapos sa Pamantasan ng Ateneo de Manila, siya ay malubhang nasugatan ng rebeldeng sundalo sa isang nabigong pagtatangka sa panahon ng pagkapangulo ng kanyang ina. Noong 1998, siya ay inihalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Tarlac sa lalawigan ng 11th Kongreso ng Pilipinas; siya ay na-reelect ng dalawang beses, sa kalaunan, siya ay naging Deputy Speaker. Noong 2007, siya ay nahalal sa Senado ng ika-14 Kongreso ng Pilipinas.

Talambuhay ni Juan Luna

Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.



Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
Edukasyon

Talambuhay ni Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.



Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Talambuhay ni Manuel L. Quezon


Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan.

Talambuhay ni Jose P. Rizal

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.


May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Talambuhay ni Corazon "Cory" Aquino

Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.


Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.